ni Aaron Recuenco
Binawian ng buhay ang isang pulis na may sakit sa puso at nakatakda na sanang magretiro matapos mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang kinumpirma ni Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, deputy chief for Administration at kasalukuyang commander ng PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOT).
Aniya, isang 54-anyos ang nasabing pulis na ika-32 na sa namatay sa sakit sa hanay ng pulisya.
Nakatalaga aniya ito sa PNP-Intelligence Group.
Dahil dito, aabot na aniya sa 11,641 na pulis ang kabuuang nahawaan ng virus.
Gayunman, ipinaliwanag ni Eleazar na nananatili pa ring mataas ang recovery rate nito sa PNP.
Sinabi nito na sa kasalukuyan, nasa 550 ang active COVID-19 cases at ang mga ito ay nasa isolation facility at ospital