ROME (AFP) — Sinabi ng Italy noong Huwebes na hinarang nito ang isang kargamento sa Australia ng bakunang Covid-19 ng AstraZeneca sa unang naturang ban sa pag-export sa ilalim ng vaccine monitoring scheme sa EU.
Ang utos ng Rome na humahadlang sa pagpapadala ng higit sa 250,000 na dosis ay tinanggap ng European Commission, na matindi ang pagpuna sa kumpanyang Anglo-Sweden ngayong taon sa pagbibigay lamang ng isang maliit na bahagi ng mga dosis ng bakuna na ipinangako nitong ihatid sa bloc.
Pinigil ang shipment dahil sa “continuing shortage of vaccines in the EU and in Italy and delays in supplies from AstraZeneca to the EU and Italy,” sinabi ng Italian foreign ministry sa isang pahayag.
Hinarang din ito dahil ang Australia ay hindi itinuturing na “vulnerable” country sa context ng pandemic, at dahil sa “high number of doses” na hiniling. Sinabi ng ministry na humiling ang AstraZeneca ng permit sa pag-export noong Pebrero 24, at ipinasa ng Rome ang kahilingan sa European Commission makalipas ang dalawang araw, na iminungkahi ang pagtanggi nito.
Sumang-ayon ang executive body ng EU, at inabisuhan ng gobyerno ng Italy - na ang bagong Prime Minister Mario Draghi ay nangako na palawakin ang mga pagsisikap sa pambansang pagbabakuna - ang AstraZeneca tungkol sa desisyon nito noong Marso 2.
Sinabi ng ministry na dati nang pinahintulutan ng Italy ang pag-export ng mga sample ng bakunang AstraZeneca, ngunit sa “modest quantities ... for scientific research purposes.”