ni Nitz Miralles
ALIW basahin ang post ni Rosanna Roces sa shooting ng Kontrabida kung saan, naka-eksena niya si Nora Aunor.
“Ang ganda ng Ninang kahapon... Bagay sa kanya ang mahabang buhok... yung linya ko 2 weeks ko inaral para ‘di magkamali... ayun nung ka eksena ko sya... natulala na naman ako. Unang linya pa lang nakalimutan ko na. Hahaha tingnan ba naman ako sa mata. Wag ganun Ninang Guy! Alam mo naman nakaka bato balani ka hahahaha mahal na mahal ka namin... wag ka magkakasakit ingatan mo sarili mo. Andito lang kami lagi para sa yo. #Kontrabida.”
Si Adolf Alix, Jr., ang director ng “Kontrabida” na kung saan, first time na gaganap na kontrabida si Nora. Kasama rin sa cast sinaBembol Rocco at Jaclyn Jose.