Ni NORA V. CALDERON
MAY isa palang Hollywood-produced action film na nagawa si Kapuso actress Heart Evangelista sa China in 2019, pero hindi natuloy ang planong premiere showing nito in Hollywood, China and Hong Kong pagkatapos ng filming, dahil sa pandemic. Hindi pa raw alam ni Heart kung ano ang susunod na plano ng producer ng movie, pero excited na siya kung itutuloy pa rin ang nauna nilang plano.
Bukod sa said event na hinihintay ni Heart, may isa pa raw siyang project na gagawin sa US this year: “I will be travelling to New York City this August to shoot for something, which will be in Times Square.” Ayaw munang sabihin ni Heart ang said project na gagawin niya. Matatandaan na dalawang beses nang itinaas sa Times Square ang kanyang mukha.
Magiging busy na rin si Heart dito, dahil very oon ay magsisimula na sila ng bagong Kapuso actor na si Richard Yap, ng lock-in taping nila ng GMA weekly series nilang I Left My Heart in Sorsogon.