ni Bella Gamotea

Inaasahan na namang magkaroon ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.95 hanggang P1.05 sa presyo ng kada litro ng gasolina,P0.70-P0.80 sa presyo ng diesel at P0.60-P0.70 sa presyo naman ng kerosene.

Ang napipintong dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Malimit magpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa araw ng Martes sa kada linggo.