DUTERTE SA PROBE TEAM NG PDEA, PNP VS ‘MISENCOUNTER’:

Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

 Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa joint panel na binuo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na itigil na ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y insidente ng ‘misencounter’ sa Quezon City, kamakailan.

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara

PATAS LANG Inumpisahan na ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang lugar sa Quezon City kung saan naganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng QC Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

(ALVIN KASIBAN)

Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesman Harry Roque at sinabing ang National Bureau of Investigation (NBI) na lamang ang nag-iisang ahensya ng gobyerno ang sisiyasat sa nasabing engkuwentro sa pagitan ng nasabing dalawang grupo upang mawala ang pangamba ng pamilya ng mga biktima sa posibleng pagkaroon ng hindi patas na pagsisiyasat.

Ayon kay Roque, nakipagpulong si Duterte kina PNP chief Debold Sinas, PDEA Director General Wilkins Villanueva, Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, NBI Director Antonio Pagatpat sa Malacañang nitong Biyernes ng gabi upang talakayin ang insidente.

Kahapon, ipinaliwanag ni Roque sa mga opisyal kapulong ng pangulo na kaya niya lamang ginawa ang hakbang upang matiyak na magkaroon ng pantay na imbestigasyon sa kaso.

“Gusto ng Presidente na magkaroon ng impartial na investigation. Para rin sa peace of mind ng mga biktima na patas ang imbestigasyon,” paglalahad nito.

Sa naturang insidente na naganap sa harap ng isang mall sa Commonwealt sa nabanggit na lungsod nitong Pebrero 24, napatay ang dalawang pulis, isang tauhan ng PDEA at isang impormante.

Sa paunang ulat, nabunyag na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng QC Police District. Gayunman, lingid sa kanilang kaalaman na mga tauhan ng PDEA ang kanilang katransaksyon.

Ipinahayag naman ni NBI spokesman Ferdinand Lavin, nagpadala na sila ng forensics team sa crime scene at sisilipin din ng mga ito ang surveillance footage at video clips na kuha ng mga sibilyan.