ni Nitz Miralles

KAHIT walang party, masaya pa rin ang 16th birthday ng Kapuso teen actress na si Jillian Ward, pinasaya ng kanyang fans ang kanyang kaarawan sa pagreregalo sa kanya ng maraming birthday cakes at boquet of flowers.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Ang bilang ng kanyang fans, umabot sa 41 ang birthday cakes na natanggap ni Jillian at hindi mabilang na boquet of flowers. Kaya sa cakes at flowers, napuno na ang sala ng bahay nina Jillian.

Kaya sabi nito, “I a SO HAPPY!!! I’m on cloud nine! What a happy birthday! Thank you everyone for taking time to share your talent in art through baking me a cake.”

Samantala, babalik sina Jillian, Sofia Pablo, Althea Ablan, Elijah Alejo sa Book 2 ng Prima Donnas na this year na mangyayari. Of course, kasama pa rin sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, at Chanda Romero. Sabi ni Director Gina Alajar, may story na para sa Book 2 at inaayos na ang pagsisimula ng lock-in taping.