ni Nora V. Calderon
NAMI-MISS na ng mga fans si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, dahil two weeks na siyang hindi napapanood sa Eat Bulaga. Napanood pa siya last Sunday, February 21, sa All-Out Sundays pero taped na raw ang said episode.

Ang balita namin ay nagwu-workshop sina Bea Alonzo at Alden para sa kani-kanilang role na gagampanan sa first movie nila together for Viva Films and GMA Pictures, ang A Moment To Remember, (Philippine Adaptation) ng Korean movie. Last Friday, February 26, nakaharap na rin nina Bea at Alden for the first time, si Director Nuel Naval. Soon, sisimulan na rin nila ang lock-in shoot ng movie.
Meanwhile, in between ng workshop, isinisingit naman pala ni Alden ang pagti-tape ng Bida Kid reality singing competition na siya ang host, ang Centerstage, na this Sunday ay pasabog ang unang fresh episode dahil makikita na ng mga viewers ang paggamit nila ng virtual technology kaya hindi na kailangang lumabas ng bahay ang mga batang contestants dahil sa kani-kanilang bahay na sila pupuntahan ng production staff ng show, para kunan ang kani-kanilang song na kakantahin sa contest