Ni DANTE A. LAGANA

KUNG sa mga teleserye aktin­gan to the maximum level ang bawat celebrites sa kani-kanilang ginagampanang char­acter. Itong isang aktor ayon sa source naiiwan daw sa kangkungan. Walang hindi raw makakapansin sa kanya lalo na sa mga confrontation scenes. E, paano ba naman daw intense na ang eksena samantalang si aktor napag-iiwanan. Hindi raw maibigay ang sapat na hinihingi ng kanyang role. Kung ume-effort naman daw sa pag-arte umo-over naman. Saan ba siya lulugar ng tama? Kaya usisa ng source, pansin kaya ito ng direktor ng panghapong teleserye o no choice na siyang pigain pa ang aktor pagdating sa pag-arte?

Ang kapareha daw niyang babae sa isang harapang eksena lumi-level up ang aktingan maging ang mga cast ng teleserye walang tulak kabigin ang husay sa pag-arte pero sad to say si aktor daw hindi makasabay. Malamya baga. May eksena nga raw doon na tight shot na ang kuha pero si aktor ang reaksyon waley pa rin. Well, baka naman kulang sa hugot ng buhay kaya ganoon o kaya kulang pa sa pag-i-inter­nalize ng kanyang role. Kung sabagay made-develop pa yan kailangan pang hasain sa aktingan. Ika nga nila there is always room for improvement.

Produkto si aktor ng reality based artista search sa network na kanyang kinabibilangan. Minsan ding sumabak mag-pageant sa kanilang probinsiya na karaniwang nagiging stepping stone ng mga gustong mag-artista. Nach­ismis din sa mga naging kapareha sa teleserye pero wala raw itong katoto­hanan. Yun na!

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?