NAKAMIT ni Victorio “Vicious” Saludar ng Polomolok ang bakanteng World Boxing Association (WBA) minimumweight title via split decision kontra sa kababayan na si Robert “Super Inggo” Paradero ng Bukidnon nitong Sabado sa Binan Football Stadium sa Binan City, Laguna.

Naging kontrobersyal ang split-decision win ni Salurdar, higit at kumpiyansa si Paradero na nakuha niya ang panalo sa dikdikang labanan.

Ibinigay ni judge Aquil Tamano ang iskor na 115-113, habang nagbigay si lawyer-judge Danrex Tapdasan ng 116-112 para kay Saludar. Naisumite ni judge Alfie Jocosol ang iskor na 118-110 para kay Paradero.

Mabagal ang simul ani Saludar laban sa agresibong si Paradero, ngunit nakabawi at ilang ulit na nakipagpalitan ng kombinasyon si Saludar sa huling bahagi ng kanilang 12-round fight sa promosyon ni Bebot Elorde.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nahila ni Saludar, dating WBO World minimumweight champion, ang karta sa 21, kabilang ang apat na kabiguan, habang ang kabiguan ang kauna-unahan kay Paradero sa 18 laban, tampok ang 12 knockouts.

Tangan din ni Saludar ang Asia Boxing Federation minimumweight championship.

Orihinal na nakatakda ang laban nitong September, ngunit nakansela ito bunsod ng COVID-19 pandemic. Bago ang duwelo, huling lumaban si Saludar kontra Mike Kinaadman noong Dec. 2019, habang pinabagsak ni Paradero si Jonathan Alcacen sa first roun noong April 2019.

Sa supporting main event, nahila ni Carl Jammes Martin ng Ifugao ang winning run sa 18 via 5th round knockout kay Joe Tejones sa super bantamweight bout.

Sa iba pang resulta ng ‘bubble event’ na masinsin na pinangasiwaan ng Games and Amusements Board (GAB), nagwagi si Rechel Calo ng Elorde Boxing Gym kontra Ruel Panales ng Dasmarinas via majority decision; ginapi ni Eugene Noynay ng Elorde via majority decision si Jerico Tanate ng Olivetti Boxing Gym; namayani si Archiel Villamor ng Elorde via unanimous decision kay Leslie Manalo ng Dy Incredible.

The bubble boxing event, dubbed as “Night of Champios XXII”, was promoted by Gabriel “Bebot” Elorde Jr. of the Elorde International Promotion.

Itinaguyod ang naturang event ng Ginebra San Miguel, Pagcor, Jun Soriano Realty, Water Boy System, Fairtex at Elorde Sports Center.