mula sa Agence France-Presse

NAGDUDULOT ang climate change, biodiversity loss at polusyon ng tripleng banta sa kalusugan ng tao at prosperidad na maaari lamang maiwasan kung magbabago ang paraan ng pagpapatakbo ng ekonomiya at pagpapakain sa ating mga sarili, pahayag ng United Nations kamakailan.

Natuklasan sa isang scientific assessment ng UN Environment Programme na ang mabilis na lumalagong ekonomiya ay nagdudulot ng mapangwasak na epekto sa planeta at humihikayat sa mga pamahalaan, negosyo at mga tao sa buong mundo na aksyunan ito upang mapunan ang pinsala bago pa maging huli ang lahat.

Kinuha mula sa mga natuklasan sa ibang mga pangunahing pagtataya hinggil sa climate and biodiversity mula sa expert international panels, sinabi sa ulat na may titulong “Making Peace With Nature” na ang agarang pagpapalit sa renewable energy at paglilimita sa habitat loss ay mahalaga upang maiwasan ang “unacceptable risk” para sa susunod na henerasyon.

“For too long, we have been waging a senseless and suicidal war on nature,” pahayag ni UN Secretary General Antonio Guterres.

“The result is three interlinked environmental crises: Climate disruption, biodiversity loss and pollution threaten our viability as a species.”

Ayon kay lead report author Robert Watson, higit sa kalikasan ang dalang banta ng tatlong krisis na ito.

“They undermine food security, water security and human health,” aniya.

Natuklasan sa ulat na lumago ang global na ekonomiya ng halos limang beses sa nakalipas na 50 taon na pinalakas ng tripleng pagkuha ng natural na yaman at enerhiya. Gayunman sa kabila ng mabilis na paglago, ang pasakit ng pagkawasak ng kalikasan ay pinapasan ng mahihirap at pinaka bulnerable, anila.

Bagamat nadoble ang “average prosperity” sa nakalipas na limang dekada, nasa 1.3 bilyong tao ang nabibilang sa mahirap habang 700 milyon ang natutulog nang gutom bawat gabi.

Ayon sa pagtataya, hinaharang ng “environmental degradation” ang pag-usad ng pagwawakas ng kahirapan at kagutuman at nagbabala na ang pandemya tulad ng Covid-19 ay maaaring mas dumalas pa sa hinaharap habang patuloy nating tinatanggal ang natural habitats ng mga hayop.

“This is not the first pandemic caused by animal to human infection, so we really have to think how we can prevent the next one,” pahayag ni Watson, isang veteran climate at biodiversity researcher.

“By cutting down vegetation, we humans go into areas we didn’t used to go into and therefore we interact with wild animals.”

‘LOW-HANGING FRUIT’

Sa kabila ng pagbagsak ng emissions nitong nakaraang taon sa pagpigil ng pandemya sa mga international travel, nagpapatuloy ang mundo sa banta na pagtaas ng tatlong degrees Celsius above pre-industrial levels pagsapit ng 2100.

Malayo ito sa hangarin ng Paris climate deal, kung saan nangako ang mga bansa na lilimitahan ang pag-init ng mundo sa “well below” 2C at sa mas ligtas na 1.5C kung maaari.

Wala sa mga hangaring ito ng mundo ang naabot sa nakalipas na dekada, kung saan isang milyong uri ng halaman at mga hayop ang kasalukuyang nahaharap sa pagkaubos.

Inirekomenda ng ulat na dapat palawakin ang mga protektadong lugar upang magkaroon ng mas malaking espasyo para sa mga wild species, gayundin ang pagtugon sa mga nagdudulot ng pagkalagas ng kagubatan, tulad ng unsustainable farming at food waste.

Natuklasan din na ang mga pamahalaan ay nagbabayad ng $5-7 trillion bilang subsidiya sa fossil fuel at large-scale farming operations.

Nag-aambag ang mga gawaing ito sa polusyon sa hangin na kumikitil ng tinatayang walong milyong tao kada taon. Ayon kay Co-author Ivar Baste ang pagbabawas ng fossil fuel subsidies — na sa katunayan naman ay pinaka pinakikinabangan ng mayayaman, high-polluting firms — ay dapat ikonsidera ang mga “low-hanging fruit” sa paglaban sa climate change.

“We have to do the obvious,” pagbabahagi nito sa AFP kasabay ng paalala na “vested interests” ang nagtutulak para sa patuloy na paggamit ng fossil fuel.

Sa nakatakdang pagdaraos ngayong taon ng dalawang pangunahing UN summits hinggil sa biodiversity loss at climate change, sinabi ng mga may-akda na “piecemeal and uncoordinated responses would fall well short of what the planet needs.”

“While I applaud all the countries in the world that have set zero net carbon dioxide emissions by 2030, the real issue is what will countries do between now and 2030,” ani Watson.

“Action really is needed in the short term, not just aspirational goals for the middle of the century.”