Ni NITZ MIRALLES
MAGKASAMA uli sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na namasyal sa Lake Caliraya at kasama pa nila ang anak nina Ellen at John Lloyd Cruz na si Elias. May mga iba pang kasama ang dalawa ang non-showbiz friends at relatives ni Derek.

Pinost ni Ellen sa kanyang IG Story ang mga larawan nila ni Derek at kapansin-pansin na lagi silang magkatabi. May isang photo na nasa loob sila ng kotse, may photo rin na habang nakasakay sila sa ferry boat, si Derek ang may karga kay Elias. Comment tuloy ng netizens, tila nagpapraktis na si Derek maging ama kay Elias.
Sa isa pang photo, nakayakap si Ellen kay Derek mula sa likuran at twinning pa ang dalawa sa suot nilang pang-itaas na parehong gray. Pareho rin silang naka-shades.
Kaya marami ang naniniwalang hindi magtatagal ay hindi na “neighbors” ang magiging status nina Derek at Ellen na magkapitbahay sa Ayala, Alabang.