Ni REMY UMEREZ

Sampung songwriters mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang nagwagi sa Viva Musika 2020 Songwriting Contest na isinagawa Viva Music Group.

Layunin ng kompetisyon na tumuklas ng promising unsigned composers. Ang mga nagwagi ay tatanggap ng P100,000 bilang advance royalties at pagkakataong magamit ang kanta sa produksyon ng VIVA. Sinabi ni Viva boss Vic del Rosario Jr na ang search ay pagpapatuloy ng pagsisikap ng Viva na maghanap ng mga nakatagong talento at linangin ang kanilang karera sa musika “to the fullest potentials.”

“Narinig ko ang mga song entries at naniniwala akong these Viva Musika discoveries will be creating a lot of hits for us,” aniya.

Tsika at Intriga

Kumpirmado: Troy Montero, may kumalat ngang maselang video

Ang 10 outstanding songwriters ay sina: Pat Cardoza ng Tondo, Manila; Virgilio Cariego, Jr. ng Sacsac Dalaguete, Cebu; Clyde Fedelis ng Lopez, Quezon; Dianne Lim mula Quezon City; Fritz Baguio mula Gun-ob, Lapu-Lapu City; Joselito Abad ng Valenzuela City; Paul Hildawa ng Parañaque City; Oliver Narag ng Valenzuela City; Linolito Calegas, Jr. mula Victoria, Australia; at Divino Rivera mula La Trinidad, Benguet.