Ni AARON RECUENCO

Nag-utos ang Provincial Government ng Batangas ngvsapilitang paglikas ng mga residente na nagsimulang bumalik sa Volcano Island, na idineklarang ‘No Man’s Land’ pagkatapos ng mapanganib na pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero ng nakaraang taon.

Nilinaw ni Kat Buted, tagapagsalita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na ang kautusan para sa paglikas ay isang pagpapatupad ng mayroon nang kautusan na tinitiyak na ang Volcano Island, na lokal na tinukoy bilang Pulo, ay hindi na titirhan.

“They are now prohibited to live there because that area was already declared as a danger zone regardless of the Alert Level of the Taal Volcano,” sinabi ni Buted sa BALITA.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal noong nakaraang taon, pinasimulan ni Gobernador Hermilando Mandanas ang mga programa sa pabahay at pangkabuhayan upang pigilan ang mga lokal na residente na bumalik sa kanilang mga tahanan.

Ngunit sa kabila ng babala at ang alok ng kabuhayan sa bahay, ang ilang mga residente ay nagpasyang bumalik sa Volcano Island, na sinabi ng mga lokal na opisyal na lumalabag sa umiiral na kautusan na wala nang titira sa buong Volcano Island.

Hindi malinaw kung gaano karaming mga tao ang kasama sa mandatory evacuation.

Sinabi ng Office of Civil Defense,nang mga puwersahang isilikas ay mula sa dalawang sub-village na bahagi ng bayan ng Talisay.

“The evacuation is ongoing. This order is for precautionary measures done in line with the recent activities of the Taal Volcano. But we have to clarify that there is no ongoing eruption or threat of immediate eruption from the volcano,” saad sa pahayag ng OCD.