ni Mary Ann Santiago
Solong naiuwi ng isang taga-Aklan ang aabot sa P246 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Biyernes ng gabi.
Itoa ang kinumpirma ni PCSO General Manager Royina Garman ang mahulaan ng mananaya ang six-digit winning combination na 24-09-32-41-29-22 kaya’t napanalunan nito ang P246,085,102.
Ang lucky ticket ay nabili sa Banga, Aklan. Upang makubra ang kanyang panalo, pinayuhan ng PCSO ang nanalo na magtungo lamang sa PCSO Main Office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at iprisinta ang winning ticket at dalawang balidong identification cards (IDs).