ni Leonel Abasola

Iginiit ng isang senador na kung agresibo ang mga kabataan para magpabuntis, kailangan ding maging agresibo ang gobyerno sa pagtugon sa problemang ito.

Ito ang reaksyon ni Senator Win Gatchalian sa ulat ng Commission on Population and Development (POPCOM) na ang pagbubuntis ng mga menor de edad, lalo na ‘yung may edad 10 hanggang 14 ay umakyat ng pitong porsiyento noong 2019 kumpara nitong nakaraang taon.

Dapat aniya mas agresibong pagtugon ng pamahalaan ang kailangan upang mapigilan ang pagdami ng mga batang ina at ang kanilang pagkakaipit sa tinatawag na “intergenerational poverty” o namanang kahirapan na madalas

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

nararanasan sa mga minority group o mahihirap na komunidad.

Nagbabala rin ang senador na posibleng dumami pa ang mga kaso ng teenage pregnancy dahil sa COVID-19 pandemic tulad ng mga naging karanasan sa mga lugar na dinaanan ng kalamidad. Noong tumama ang bagyong Yolanda sa Eastern Visayas, halos dalawampu’t apat (23.5) na porsyento ng mga babaeng teenager sa rehiyon ang nabuntis ayon sa isang pag-aaral ng Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP).

Aniya, kailangan ang edukasyon sa reproductive health kung saan ang mga paaralan at barangay ay may mahahalagang papel para maabot ang mga kabataan at kanilang mga magulang. gender-based violence, at responsableng pag-aasal.