Ni ADOR V. SALUTA

PORMAL na ipinakilala ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated na si Samantha Bernardo ng Palawan bilang panlaban ng bansa sa Miss Grand International na gaganapin sa Abril 17 sa Bangkok, Thailand.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Sa official statement ng Miss Grand International Facebook page, inanunsyo nito na si Samantha ang napiling kinatawan ng Pilipinas sa nakatakdang kompetisyon.

Naniniwala ang BPCI na makakatulong sa kanyang laban ang maraming hukbo sa pageant fans si Samantha. Pagpapatunay nito ay sa dalawang magkasunod na taon na sumabak sa Binibining Pilipinas si Samatha magkasunod rin siyang kinoronahan bilang second runner up.

Nananatili ring aktibo si Samantha sa kanyang adbokasiya na Philippine Movement Against Malaria bilang spokesperson at volunteer sa grupo na naglalayon na sugpuin ang Malaria sa taong 2030.