Ni NITZ MIRALLES
ANG tsika ay Miggy Bonnevie-Bautista ang pangalan ng binata na sinasabing “boyfriend” ni Juliana Gomez, anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congw. Lucy Torres-Gomez. Nasa Instagram ni Miggy ang ilang photos nila ni Juliana na ni-like ng dalaga, kaya lalong naniwala ang netizens na may relasyon nga ang dalawa.

Student ng Ateneo University si Miggy na isa ring fencer gaya ni Mayor Richard, isa sigurong factor ‘yun kung bakit nag-click ang dalawa. Olympic bound daw si Miggy, ibig sabihin, magaling talaga siya.
Nalungkot lang ang shippers nina Juliana at Andres Muhlach, anak naman nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na gusto sana ang dalawa. Pero, magkaibigan pa rin sina Juliana at Andres na nasa Spain na yata dahil doon nag-aaral.
Anyway, wala pang comment sina Mayor Richard at Congw. Lucy sa balitang may boyfriend na ang kanilang unica hija. Curious nga ang netizens kung naipakilala na ni Julian sa parents niya si Miggy.