ni STEPHANIE BERNARDINO
ISA ang Philippine drug war documentary na Aswang sa 238 projects na eligible para sa Oscars consideration na maaaring mapabilang sa shortlist ng 15 pelikula na iaanunsiyo sa Pebrero 9.

Ang “Aswang” ang official entry ng Pilipinas para sa best documentary ng 2021 Oscars.
“The film is eligible for the Awards after winning the grand prize at Academy-qualifying DMZ International Documentary Film Festival,”pagbabahagi ng organisasyon.
Mula sa direksyon ni Alyx Arumpac, tinatalakay ng dokumentaryo ang kuwento ng mga biktima mula sa mahihirap na komunidad, na naglalantad kung paanong nabago ang kanilang buhay sa gitna ng kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa ilegal na droga.