July 15, 2026

Home BALITA

Trillanes, target ng 'ex-bodyguards' dahil sa pagpapanagot sa mga Duterte

Trillanes, target ng 'ex-bodyguards' dahil sa pagpapanagot sa mga Duterte
Photo Courtesy: Antonio Trillanes IV (FB), via MB

Ibinahagi ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang dahilan kung bakit madalas siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya.

Matatandaang kamakailan lang ay inakusahan si Trillanes ng mga dating bodyguard umano ni Zaldy Co na nakatanggap siya ng male-maletang pera para makipag-ugnayan sa ilang mga tauhan ng International Criminal Court (ICC) upang makapagsagawa ng imbestigasyon sa bansa, para maisulong ang kasong "crimes against humanity" laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA: 'I categorically deny!' Trillanes pumalag sa 18 ex-Marines, kakasuhan ulit

Ngunit nang kanapanayamin si Trillanes ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino sa podcast nitong “KC After Hours” ngayong Sabado, Hunyo 20, sinabi ni Trillanes na tahasang kasinungalingan umano ang bintang na ibinabato sa kaniya ng mga dating tao ni Co.

Aniya, “It's an outright lie. Kasi talagang n'yo, ino-observe namin, they had four or five apperances, iba-ibang statement every single time.”

Metro

Solo parent na TNVS rider, pinatay at pinagnakawan pa ng motorsiklo ng pasahero!

“At itong this particular person, itong lumabas last time, no'ng una niyang nagbigay siya sa residence ko. Sinabi niya 'yan with a straight face. Anim na maleta daw. Then this time, sinabi niya doon daw sa headquarters ng Magdalo with a straight face din. So ‘yon na ‘yon, that alone shatters the whole thing,” dugtong pa ni Trillanes.

Sa palagay ng dating senador, ang mga atakeng ito laban sa kaniya ay bunga ng kaniyang pagnanais na mapanagot ang mga Duterte.

“They have identified me as one of the driving force dito sa paghabol sa mga Duterte to make them accountable,” saad ni Trillanes.

Dagdag pa ni Trillanes, “These are very powerful people with evil intentions, not only for me but for the country. Kaya, they won't stop.”

Isa si Trillanes sa mga naghain ng kaso sa ICC laban sa dating pangulo noong 2017.

MAKI-BALITA: 'Sa wakas!' Trillanes, 'wagi' sa pagkaaresto umano ni dating Pangulong Duterte