ni Marivic Awitam

NABAWASAN ang sana’y ensayo sa preparasyon ni Filipino gymnast Carlos Yulo para sa darating na Tokyo Olympics nang makansela ang dalawang torneo na dapat niyang lahykan bunsod ng coronavirus pandemic.

YULO: Nabitin sa ensayo

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Ang mga umiiral na travel restrictions sa ilang mga bansa at ang pag -iingat na rin para kaligtasan ng kanilang mga mamamayan ang naging dahilan ng kanselasyon ng mga nabanggit na kompetisyon na idaraos sana sa Germany at Azarbaijan sa Marso at Hulyo ayon sa pagkakasunod, ayon kay gymnastics president Cynthia Carrion.

“Both of his (Yulo) competitions were canceled,” ayon kay Carrion.

Inaasahan sana nina Yulo at ng kanyang Japanese coach na si Munehiro Kugemiya na mai-scout nila ang mga posibleng mga makakatunggali ng una sa Olympics mula sa mga bansang Russia, China at Japan.

Dahil sa kanselasyon, isa na lamang ang natirang kompetisyon na nalabi para malahukan ni Yulo.Ito ay ang torneo na idadaos sa Qatar sa Hunyo.

Umaasa na lamang sila na hindi rin ito makansela at makasali ang Pinoy Olympic qualifier na makalahok sa ilang mga minor gymnastics tournaments sa Japan.

“If there’s no competition for him, then all he’s got to do is continue his training. Everybody has the same problem,” ayon pa kay Carrion.