ni Nitz Miralles
HINULAAN ng netizens na susunod nang ikakasal sina Xian Lim at Kim Chiu after lumabas ang photos sa bakasyon nila sa Boracay kasama ang family ni Kim. Super sweet kasi sina Xian at Kim sa mga lumabas na litrato, kaya ang ini-expect ng kanilang fans, may marriage proposals nang magaganap isa sa mga araw na ito.
Sinagot ni Xian ang isyung ito, “Maraming nagtatanong sa akin regarding that. Pero matagal pa ako, e. Matagal pa kami. There’s so many things na we want to be able to accomplish and marami pa kaming gustong gawin. And I think, wala pa sa time na ganu’n. Hindi pa namin... Or even talking about it, hindi namin napag-uusapan. ‘Yun, matagal pa po,” pagtatapos ni Xian.
And speaking of Xian, isa siya sa may mga project kahit sa panahon ng pandemya. May game show siya sa TV5 na malapit nang umere at may pelikula pa sa Viva Films. Busy din ang aktor sa pagpapaganda pa ng kanyang bahay na kung naaalala niyo, nilooban kamakailan lang.