ni DANTE A. LAGANA

NAG PAHAYAG na si Ogie Diaz, ang talent manager ng Kapamilya actress na si Liza Soberano sa kanyang vlog, tungkol ito sa nilulutong pagtatambalan daw ng kanyang talent (Liza) sa Thai actor na si Vachirawit Chiva-aree o mas kilala sa pangalang Bright.

Liza at Vachirawit

National

PBBM, lalagdaan 2025 national budget bago mag-Pasko – PCO

Pag-amin ni Ogie nakarating daw sa kanila ang balita tungkol dito. Sey niya, “Actually na-pitch na rin sa amin ‘yan so na-curious ako kung sino si Bright. Sikat pala na Thai actor ‘yan. Ayoko namang pangunahan kasi baka sabihin epal ako, nangunguna ‘ko. Hayaan nating mag-announce ang Star Cinema. Pero sa akin, excited ako kay Liza kung gagawin niya ‘yung movie with Bright. Hindi ko alam kung movie or series so abangan natin.”

Bago pa man nagsalita si Ogie tungkol sa project na ito, kamakailan lang ay umugong na magkakaroon ng partnership ang ABS-CBN with Thai production company GGMTV kasama ang isa sa mga bida ng Boys Love series na 2gether at isa nga doon ay si Bright. Ayon nga kay Direk Olivia Lamasan in development ang proyekto sa pamamahala ni Deo Endrinal ng Dreamscape.

So kapag natuloy ang project malamang excited na rin ang mga fans nila Liza at ng sikat na Thai actor na si Bright. E kaso paano naman ang tambalang LizQuen? Saad ni Ogie pahinga muna raw sila Liza at Enrique Gil para raw hindi manawa ang mga tao kaya pagtatambalin muna raw sila sa ibang kapareha. Hindi naman daw mabibigo ang mga fans ng LizQuen dahil ang pagkakaalam ni Ogie gagawa raw ang LizQuen ng serye at movie together after makipagtambalan sa iba. Yun na!