HUMINGI ng sorry ang singer-actress na si KC Concepcion sa pamamagitan ng social media, dahil isa siya sa mga nag-attend ng birthday party ng kaibigang si Tim Yap sa The Manor Hotel in Baguio City.
“From now on, even if we all test PCR negative, I will mask up anytime I’m in a crowd, for extra safety. I hope we all remind each other to do so, too. Let’s learn (& relearn) the safety precautions the government has put in place for us, so we can take care of each other. Love to all.”
Dagdag pa ni KC, naniniwala siyang ang pagsusuot ng mask ang least na magagawa natin bilang mga citizens. “I personally apologize for not having kept my mask on100% of the time during a gathering. Lessons learned about safety protocols indoors or outdoors when in a crowd. I understand the panic. And I would react the same way.”
Kumalat sa videos ang celebration at nakita ring maraming hindi nag-practice ng physical dancing. Si KC ang isang nakita na hindi naka-face mask.
Bukod kina Tim Yap, KC at ang wife ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, lahat ng nakitang hindi sumunod sa protocols ay pinagmulta ng P 1,500 each. Ang P1,000 fine ay sa hindi pagsusuot ng face masks at ang P 500 fine ay sa hindi pagsunod sa physical distancing.
-Nora V. Calderon