HINDI natatalo ang sangkatauhan sa laban kontra COVID-19 pandemic at sa kalaunan ay mapagtatagumpayan din, pahayag ng World World Health Organization kamakailan.

Sa pagtaas ng daily global deaths ng virus sa 18,000 sa unang pagkakataon at sa mabilis na pagkalat ng mga bagong variants, nilinaw ni Maria Van Kerkhove, WHO technical lead on COVID-19, na ang mutations ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo.

“Does it mean we’re losing this war? No,” giit niya sa isang WHO live social media event.

Probinsya

10.4°C, naitalang pinakamababang temperatura sa Benguet ngayong 2026

“We are in the fight of our lives. We have to make sure that we’re not fighting each other; that we’re fighting the virus… the variants included.

“We can conquer this virus — and we will conquer this virus.”

Sa pag-uunahan ng mundo para sa vaccine doses, nangunguna ang mas mayayamang bansa sa pagpapasimula ng immunization sa mga matatanda at medical staff habang patuloy na naghihintay ang mahihirap na bansa sa kanilang unang batch ng bakuna.

Sa pahayag ni Michael Ryan, WHO emergencies director, sinabi nitong hindi katanggap-tanggap para sa mayayamang bansa na humakbang pasulong at simulan ang pagbabakuna sa kanilang populasyon habang ang mga health workers at ang pinaka nanganganib na komunidad sa ibang panig ng mundo ay nananatiling exposed sa panganib.

“We simply cannot have a situation where front-line workers, health workers risking their lives every day, and the most vulnerable people, are not accessing vaccines,” aniya.

“If we reach a situation in the developed world where perfectly healthy people are being vaccinated and those front-line workers and vulnerable people are not, it is simply not fair.

“Let’s share that now, to be sure that those most at risk, the bravest, the most courageous of us all, get covered and get protected, and those who are most likely to suffer and die.

“And in doing that, we’ll end the problem quicker. So it’s not only good: it’s smart.”

Agence France-Presse