SA cryptic message post sa kanyangInstagrampage sinagot niIan Veneracionang tsismis na hiwalay na siya sa kanyang wife at nali-link pa kaySue Ramirez.

“I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment. I don’t need to defend myself from the kies of perverts,” aniya.

Musika at Kanta

Pagbago ni Sarah Geronimo sa lyrics ng 'Good Luck, Babe' umani ng reaksiyon

Sinundan niya ito ng caption na “Once upon a time I was pissed. #happilymaried.” Ayan, nasa post ni Ian na galit siya sa tsismis at ang hashtag, happily married siya at siguro naman, matitigil na ang tsismis sa kanila ni Sue.

And besides, si Sue ay happy sa relationship nila niJavi Benitzat ipinagtanggol pa nga siya ng boyfriend sa fake news. Hindi pa nahaharap ni Sue ang tsismis sa kanila ni Ian dahil inuna niya ang pagkalat ng fake topless photo nila niMaris Racal.

Anyway, kilala si Ian na tahimik at hindi natsitsismis at ngayon lang nagka-isyu at may kinaalaman pa sa kanyang married life. Aba’y dapat nga siyang pumalag sa fake news. Mabuti na lang at non-showbiz ang asawa ni Ian at hindi rin pumapatol sa tsismis.

Nitz Miralles