Hiniling ni Speaker Lord Allan Velasco sa Senado na ipasa ang panukalang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng “waste-to-energy (WTE) technologies” upang makatulong sa tumitinding problema sa basura ng bansa.

Aniya, panahon na para ikonsidera ng gobyerno ang paggamit ng nasabing teknolohiya sa treatment at disposal ng basura o solid waste dahil marami nang landfills o tambakan ng mga basura sa bansa ang halos puno na.

“The huge amount of waste that we produce threatens to overwhelm our landfills and create worse garbage disposal problems. Before this happens, we must now look for cleaner and more sustainable method to treat and dispose of solid waste, such as WTE,” pahayag nito.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Noong Nobyembre 24, pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill 7829 (Waste Treatment Technology Act).

Bert de Guzman