June 01, 2026

Home BALITA Probinsya

Ika-12 biktima, narekober sa pagguho sa Pampanga; disinfection at sanitation, kasabay ng operasyon

Ika-12 biktima, narekober sa pagguho sa Pampanga; disinfection at sanitation, kasabay ng operasyon
Photo courtesy: Angeles City Information Office (FB)

Narekober ng mga awtoridad ang ika-12 na bangkay mula sa gumuhong gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga ngayong Lunes, Hunyo 1. 

Batay sa ulat ng Angeles City local government unit (LGU), pasado 4:00 ng madaling araw nang makuha ng responders mula sa guho ang katawan ng biktima. 

Upang matiyak na maayos ang magiging paghawak sa bangkay, agad isinagawa ng City Health Office ang kinakailangang proseso sa Disaster Victim Identification (DVI). 

Kasabay din ng nagpapatuloy na “search, rescue, retrieval” at clearing operations ng Unified Command, nagsasagawa rin disinfection at sanitation ang Angeles City LGU upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan sa lugar ng insidente. 

Sa kaugnay na ulat, mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtulong sa mga pamilyang naulila ng mga nasawing biktima sa pagguho, na naganap noong Linggo, Mayo 24. 

Probinsya

Nanay, nasawi habang nakapila sa ₱20 na bigas; 4 na anak, naulila!

MAKI-BALITA: PBBM, iniutos agarang tulong para sa mga biktima ng pagguho sa Angeles

KAUGNAY NA BALITA: 9-storey building sa Pampanga, gumuho; ‘rescue and retrieval,’ masusing isinasagawa