LALARO ang Gilas Pilipinas sa huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na nakatakdang ganapin sa Doha,Qatar.

Ito ang kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) nitong Huwebes ng gabi kasunod ng anunsiyo ng FIBA na ang Qatar na ang bagong venue ng Group A games ng qualifiers na naunang itinakda sa Clark,Pampanga ngunit nakansela sanhi ng umiiral na travel ban sa bansa.

Bukod sa Group A na kinabibilangan din ng South Korea, Indonesia at Thailand, nakatakda ring idaos sa Doha ang Group B games na dapat sana’y gaganapin sa Tokyo kung saan ang mg maglalaban-laban naman ay ang China, Chinese-Taipei, Japan at Malaysia.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

“We are thankful to FIBA and the Qatar Basketball Federation for all their efforts to make sure that the FIBA Asia Cup Qualifiers for Group A will push through,” ani SBP President Al Panlilio.

“We would have loved to host Groups A and C in Clark but things beyond our control made it necessary to adjust our plans and we thank everyone for their flexibility,” aniya.

“Now, with the pool nearing completion and a definite location for their games, the SBP is confident that they will step it up into another gear. We’re confident that our Gilas Pilipinas Men’s team will be ready for competition come February as the SBP continues to work with the IATF to seek their guidance about the protocols necessary for our team to travel to and from Doha.”

-Marivic Awitan