Hindi tinanggap ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 (Coronavirus disease 2019) ang pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar ng gobyerno.

Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesman Harry Roque at sinabing nag-ugat ang pagbibitiw ni Magalong nang batikusin ito netizens matapos itong dumalo sa isang kontrobersyal na party, kasama ang kanyang asawa, sa loob ng Camp John Hay sa nasabing lungsod, kamakailan.

“We confirm that Baguio City Mayor Benjamin Magalong tendered his resignation as the government’s tracing czar.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Mayor Magalong’s resignation, however, has not been accepted. He continues to enjoy the trust and confidence of the leadership of the National Task Force (NTF) Against COVID-19,” ani Roque.

Nitong Huwebes, inihayag ni Roque na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Magalong dahil ipatutupad pa rin nito ang batas.

“Buo po ang tiwala ni Presidente kay Mayor Magalong, buo po ang kanyang respeto kay Mayor Magalong

When he (Magalong) says the law will be implemented, we trust that Mayor Magalong will implement the law,” aniya.

Nauna nang dumipensa si Magalong sa usapin at sinabing kaya lamang sila nagpunta sa party bilang pagtanaw ng utang na loob sa celebrity at eventologist na si Tim Yap na dumalo rin sa pagdiriwang upang maisulong ang lungsod bilang ligtas na tourist destination sa kabila ng pandemya.

Gayunman, sinabi ni Roque na hindi siya sigurado kung may personal na pananagutan si Magalong sa paglabag sa quarantine.

“Mere attendance is not actionable. Siya ba ay nag-observe ng social distancing, siya ba ay naka-mask. Kung ganoon naman, wala siyang liability. I have not seen him in any photo indicating that he did not observe social distancing or he was not wearing a mask. So he personally may not have liability but he has said that there are lapses,” ayon pa kay Roque.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS