Puntirya ng Taguig City government na mabakunahan ang halos 700,000 mula sa mahigit isang milyong populasyon nito sa loob ng 23-araw kapag dumating na bakuna sa bansa.

Ito ang pahayag ng pamahalaang lungsod at sinabing ang lahat ng papasok na bakuna sa lugar ay pawang ligtas at epektibo para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente.

Kamakailan, binisita ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang vaccination hub ng lungsod sa Bgy. Lower Bicutan kung saan sinaksihan ang isinagawang vaccination simulation para sa nalalapit na implementasyon ng pagbabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19, ayon kay Mayor Lino Cayetano.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

-Bella Gamotea