Posibleng talakayin o buhayin ang usapin sa prangkisa ng ABS-CBN sa suunod na Kongreso.

Sinabi ni Palawan Rep. Franz Alvarez, chairman ng House committee on legislative franchises, hindi na kailangan pang buhayin ito sa plenaryo ngayong 18th Congress dahil naging pinal na ang desisyon ng Kamara noong Hulyo nang tanggihan ang network application para sa franchise renewal.

“Under the rules, any one of the 70 House members who voted against the franchise application could file a motion for reconsideration on behalf of ABS-CBN to challenge the decision of the Committee. Unfortunately, there was none, thus the committee decision has become final,” ayon sa kongresista.

Bilang ng operasyon ng POGO sa bansa, bumaba sa 17 bago matapos ang 2024

Ang pahayag ay ginawa ni Alvarez bunsod ng paghahain ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ng panukalang batas na naglalayong bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, tulad ng panukala ni Senate President Vicente Sotto III, na naghain din ng panukalang pagkalooban ng panibagong prangkisa ang TV network.

-BERT DE GUZMAN