Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa power distributors na isaalang-alang ang ang kahilingan ng kanilang mga kostumer na hindi pa rin nakakabayad ng balanse sa kanilang kunsumo bago ipatupad ang pagpuputol ng kuryente.

Nauna nang hiniling ni Gatchalian sa distribution utilities (DUs), kasama na ang Meralco, na palawigin pa ang kanilang no-disconnection policy sa “low-income consumers” o ‘yung mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour (kWh) o mas mababa pa kada buwan habang umiiral ang General Community Quarantine (GCQ).

Ang polisiyang no-disconnection policy ng Meralco ay itinakda hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Binanggit ni Gatchalian na marami sa mga kustomer ay kabilang sa mga nakaranas na mawalan ng trabaho o pinagkakakitaan o kaya ay natapyasan ang sweldo.

National

Pagsabog Bulkang Kanlaon, tumagal ng halos 4 na minuto

-Leonel Abasola