Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na asahan ang pagsasara ng lane ng 19 intersections sa Metro Manila upang bigyang-daan ang traffic signalization project.

Sa traffic advisory ng MMDA, sinimulan dakong 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon nitong Enero 25 hanggang Enero 31 ang excavation at restoration sa mga bangketa o sidewalks at naglagay ng footings at handholes sa Deparo-Susano and Zapote – Camarin intersections sa Caloocan City.

Maglalagay naman ng mga lanterns sa Xavierville Ave. - E. Abada St. Sa Quezon City simula ngayong Enero 27 at sa Blumentritt - Sto. Tomas sa Manila City sa Enero 28.

May instalasyon ng mga signal cables sa M. Almeda - C. Almeda sa bayan ng Pateros sa Enero 29.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Bandang 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw ng Enero 25-31 isinasagawa ang road works sa Deparo-Susano intersection sa Caloocan City habang may restoration works sa Deparo-Susano at Zapote – Camarin intersections sa Caloocan City.

Nagsasagawa ng lane markings sa Alabang-Zapote Road-Quirino Ave. (under flyover) sa Las Pinas City ng Enero 25-27;

Alabang-Zapote Road-Manila Times (Mitsubishi Motors) ng Enero 27-29 at Alabang-Zapote Road- Palace (Southland) sa lungsod ng Enero 29-31.

May loop activities sa Alabang Palace at Concha sa Las Pinas City nitong Enero 25 at 26; SM Sucat at Amvil ng Enero 26-27;

TESDA at Armstrong sa Paranaque City ng Enero 27-28 B. Morcilla - M. Almeda sa bayan ng Pateros ng Enero 29-30; at

  1. Almeda - C. Almeda sa naturang bayan ng Enero 29-30.

Naglagay ng poste sa Xavierville Ave. - E. Abada St. Sa Quezon City nitong Enero 25 habang sa Blumentritt - Sto. Tomas sa Manila City nitong Enero 26.

-Bella Gamotea