Ang isang taong nag-a-apply para sa isang posisyon sa gobyerno ay hindi nangangailangan ng “padrino” upang makuha ang trabaho.
Pinapaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aplikante sa trabaho na iwasan ang pagkuha ng “padrino” upang i-endorso ang mga ito, na mas gusto niyang pumili mula sa hanay ng mga karapat-dapat na aplikante mula sa Civil Service Commission.
“I suggest na kayong mga first grade eligible, huwag na kailangan kayong mag-padrino-padrino. Mag-apply kayo sa Civil Service. The Civil Service will check the recommendations and I’ll appoint you,” sinabi ni Duterte nitong Lunes ng gabi.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Pangulo ay may kapangyarihang magtalaga ng mga pinuno ng mga kagawaran ng ehekutibo, mga embahador, iba pang mga pampublikong ministro at konsul, mga opisyal ng Armed Forces mula sa ranggo ng koronel o kapitan ng hukbong-dagat, at iba pang mga opisyal.
Ginawa ng Pangulo ang pinakabagong komento tungkol sa mga appointment sa gobyerno matapos basahin nang malakas ang mga pangalan ng maraming tauhan mula sa Department of Social Welfare and Development na sangkot sa umano’y iregularidad.
Sibakan, overhaul sa DSWD
Sinabi ng Pangulo na pinag-iisipan niyang sibakin ang mga tauhan ng DSWD na sinuspinde dahil sa mga iregularidad.
Hiniling niya kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista na isumite ang suspension orders upang marepaso niya ang mga ito at matukoy kung dapat bang sibakin sila sa serbisyo.
“I will ask for the papers, ipa-forward sa opisina ko sa Pasig River diyan. I will terminate them,” aniya.
“I am asking the DSWD General Bautista to send me the papers. I will try to review and baka i-overhaul ko kayo I will decide to dismiss them,” dagdag niya.
-Genalyn Kabiling