Palalakasin pa ang mga batas laban sa anti-child pornography upang lalong maprotektahan ang mga menor de edad sa pagsasamantala bunsod ng mga makabagong teknolohiya at fast-evolving digital culture.

Naghain si Rizal Rep. Fidel Nograles ng House Bill 7633 para protektahan ang mga bata at hindi sila mapuwersang maging prostitutes para lang kumita na pambili ng pagkain at pangangailangan.

“We have to place measures to protect our children, even from themselves. We have to act so that children are not forced to prostitute themselves because of their needs,” ayon sa kongresista.

Layunin ng panukala (Anti- Sexual Abuse and Exploitation of Children Act of 202) na amyendahan ang Section 9 ng Republic Act 9775 (Anti-Child Pornography Act 9775 of 2009).

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Pinahihintulutan ng Section 9 ang internet service providers (ISP) na mag-instala ng software na maaaring ma-block ang access at transmittal ng child pornography, at maabisuhan ang awtoridad sa loob ng pitong araw na detection ng alinmang internet address na ginagamit sa child pornography.

-Bert de Guzman