BONGGA ang ABS-CBN dahil eere na sa TV5 ang dalawa nilang palabas gaya ng ASAP Natin ‘To at ang FPJ: Da King na matutunghayan simula ngayong Linggo, Enero 24. May pagkakataon nang mapanood ng mga tao ang mga pelikulang de kalibre ng nasirang Fernando Poe Jr. Hindi na mahihirapan ang mga tagasubaybay kung saan mapapanood ang nasabing mga palabas na tinututukan ng madlang pipol dahil kasama ang TV5 sa digital channel at sa free channel.
Kamakailan lang ay umugong sa showbiz industry na may pagbabagong magaganap sa TV5 at yung nga ang pagpasok ng dalawang nasabing shows. Before mangyari ang mga pagbabago sa TV5 nauna na ang biglaang pagkawala sa ere ng Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live! na dinirek ng batikang direktor na si Direk Johnny Manahan. So it means papalitan na ito ng “ASAP Natin ‘To.”“This collaboration between CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,” pahayag pa ni Robert P. Galang, president and CEO ng Cignal at TV5.Malamang sa malamang excited na ang mga tao tuwing Linggo dahil nga mapapanood na sa TV5 ang mga shows ng Kapamilya channel na magsisimula ng alas 12:00 ng tanghali para sa ASAP Natin ‘To at alas 2:00 ng hapon naman hanggang alas 4:00 ang FPJ: Da King. Ang tanong ang It’s Showtime mapapanood na rin kaya sa TV5 bukod sa nakikita sila sa A2Z Channel 11? Abangan!
-Dante A. Lagana