Iginiit ng tagapangulo ng House committee on constitutional amendments na ang tatalakayin at aamyendahan lang sa Constitution ay limitado sa restrictive economic provisions nito.

Tiniyak ni Ako Bicol Party-list Rep. Afredo Garbin, Jr., chairman ng komite, walang mangyayaring term extension ng mga pulitiko, kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte, mga senador at kongresista.

“Upang mawala ang mga rumor na gusto lang naming ma-extend ang terms, plano naming ang plebisito ay itakda sa halalan sa Mayo 2022. Now, does that mean we will lift our term limits? Tandaan, mayroon pa tayong eleksiyon,” ayon kay Garbin.

Aniya, ang utos sa kanya ni Speaker Lord Allan Velasco ay unti-unting ipasok ang lehislasyon upang matanggal ang mga probisyon sa foreign ownership ng mga lupain.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

“Ang itatanong sa plebiscite ay isang linya lang sa ating mga balota na maaaring sagutin ng “yes” o “no”. Itatanong sa mga tao kung sang-ayon sila sa economic amendments o hindi,” anang kongresista.

-BERT DE GUZMAN