Nagkakaroon na ng negosasyon ang Philippine National Police (PNP) para sa pagsuko ng siyam na pulis na inakusahang pumatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong nakaraang Hunyo.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Gen. Debold Sinas na nagsabing nasa tatlong police unit ang nangangasiwa sa pakikipag-usap sa nasabing mga pulis.

Kabilang aniya sa mga police unit ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, Intelligence Group (IG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

“We are talking with them, I think there are already five or six who want to surrender and we are negotiating,” aniya.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Nagsimula ang pag-uusap nang maglabas ng arrest warrant ang hukuman laban kina Senior Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri, Master Sgt. Hanie Baddiri, Staff Sgt. Iskandar Susulan, Staff Sgt. Ernisar Sappal, Corporal Sulki Andaki , at Patrolman Moh. Nur Pasani, pawang miyembro ng Jolo Municipal Police Station; at Staff Sgt. Almudzrin Hadjaruddin, Patralman Alkajal Mandangan, at Patrolman Rajiv Putalan, pawang nakatalaga sa Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Sulu.

-Aaron Recuenco