Aprub na sa Food and Drug Administration (FDA) ang application ng Chinese manufacturer na Sinovac para magsagawa ng clinical trial sa bansa.

Kinumpirna ni FDA Director-General Undersecretary Eric Domingo, na noong Enero 15 pa inaprubahan ang aplikasyon para sa trial ng CoronaVac.

Kaya anumang araw ay maaari nang magsimula ang Sinovac bagama’t hindi batid ng FDA ang detalye ng gagawing pag-aaral.

Nilinaw ni Domingo na hindi ito bahagi ng proseso para pagkalooban ng Emergency Use Authorization sa Sinovac.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Paliwanag niya, malaking hakbang lamang ang clinical trial sa pagkalap ng datos gaya ng makukuhang benepisyo at potential risks ng bakuna

-BETH CAMIA