MAY bagong tatanghaling PBA Philippine Cup Best Player of the Conference matapos ang apat na sunod na taong paghahari ni San Miguel Beer slotman Junemar Fajardo.
Hindi kabilang si Fajardo sa mga kandidato sa top player awards sa gaganaping PBA Awards Night ng 2020 PBA Philippine Cup bubble ngayong gabi.
Ang okasyon ay gaganapin ng live sa TV5 studio simula 6:00 ng gabi.
Anim ang naglalaban-laban upang mapalitan sa pagkakaluklok sa trono si Fajardo. Ang mga ito ay sina Stanley Pringle ng reigning champion Barangay Ginebra, ang Phoenix duo nina Matthew Wright at Calvin Abueva, TnT Tropang Giga players na sina Roger Pogoy at Ray Parks, at Terrafirma ace guard CJ Perez.
Lahat ng mga kandidato at mga mananalo ng mga awards ay makakausap lamang nila sa pamamagitan ng video call bilang pagtalima sa strict health measures protocols dahil sa COVID-19 pandemic.
Si Parks ang nanguna sa statistical points standings na kumakatawan sa 40 percent ng award, habang 30 percent ay manggagaling sa media votes, 25 percent naman mula sa players votes, at 5 percent mula sa Commissioner’s Office.
Pumangalawa sa kanya si Abueva, sumunod si Perez, Wright, Pogoy, at Pringle.
Ang iba pang awards na ipamimigay ay ang Outstanding Rookie, Most Improved Player, Samboy Lim Sportsmanship Award at Outstanding/Elite Five.
Nangunguna sa statistical points sa rookie si Adams kasunod si Black.
Dikdikan din ang laban sa Most Improved Player kung saan magkakatunggali sina Justin Chua (Phoenix), Prince Caperal (Barangay Ginebra), Jason Perkins (Phoenix), Raul Soyud (NLEX), Javee Mocon (Rain or Shine), at Reynel Hugnatan (Meralco).
Ang mga kandidato naman sa Samboy Lim Sportsmanship Award, the candidates are Scottie Thompon (Barangay Ginebra), Abueva (Phoenix), Kevin Alas (NLEX), Perez (Terrafirma), at Gabe Norwood (Rain or Shine).
-Marivic Awitan