Patay ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng riding in tandem sa loob mismo ng sariling bakuran sa Malabon City, Lunes ng hapon.

Dead on arrival sa pagamutan si Antony “Tune,” Velasquez, 40, chairman ng Barangay ng Hulong Duhat, dahil sa mga tama ng cal. 45 sa katawan.

Ayon sa ulat ng puliya, bandang 4:00 ng hapon, nasa loob ng manukan si PB Velasquez sa Gabriel Street kasama ang kanyang mga tauhan na nangangalaga sa mga panabong na manok.

Biglang pumasok sa nakabukas na gate ang magkaanglas na lalaki na kapwa naka-helmet, at binaril ang biktima, na bumulagta sa semento.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Hind pa tukoy ng Malabon Police ang motibo sa pagpatay.

-Orly L. Barcala