Sisimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pilot testing sa saliva test para sa labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong Lunes.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, siya mismo ang unang sasalang sa naturang saliva test, na sinasabing higit na murang pamamaraan sa pagtukoy kung ang isang indibidwal ay infected o hindi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Bukas (Lunes), sisimulan na namin ang saliva test. At ako mismo ang mauunang sasalang dito. Ako mismo ang magiging isa sa mga guinea pig,” pahayag nito.

-Mary Ann Santiago
National

DOJ sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa Czech Republic: 'I have no specific answer yet as of now'