Matapos ang kakarampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo nitong nakaraang linggo,napipinto na namang magpatupad ang ilang kumpanya ng langis ng dagdag na presyo nito ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.85 hanggang P0.95 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.20-P0.30 naman sa presyo ng diesel at kerosene.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan at ang epekto umano ng desisyon ng Saudi Arabia na bawasan ang oil production nito at ng nabawasan na US oil inventory.

-Bella Gamotea
National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador