Ilang bahagi ng katawan ang natagpuan sa baybayin ng Jakarta malapit sa lugar na pinagbagsakan ng isang budget airline plane matapos itong mag-takeoff.

Tuloyang isinasagawang search and rescue operations malapit sa Lancang island, Indonesia, kung saan hinihinalang bumagsak ang Sriwijaya Air Boeing 737-500 nitong Sabado. AFP

Tuloyang isinasagawang search and rescue operations malapit sa Lancang island, Indonesia, kung saan hinihinalang bumagsak ang Sriwijaya Air Boeing 737-500 nitong Sabado. AFP

“As of this morning, we’ve received two (body) bags, one with passenger belongings and the other with body parts,” pahayag ni Jakarta police spokesman Yusri Yunus sa Metro TV.

Hinihinalang bumagsak sa dagat ang Indonesian airline plane na may sakay na 62 katao makalipas lamang ng ilang sandali matapos mag-takeoff mula sa Jakarta airport nitong Sabado.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

Sa flight tracking data lumalabas na bumulusok ang Sriwijaya Air Boeing 737-500 sa dagat halos apat na minute pa lamang matapos itong umalis ng Soekarno-Hatta international airport.

Nasa 62 pasahero at crew ang sakay ng eroplano, kabilang ang 10 bata, ayon kay transport minister, Budi Karya Sumadi.

Hinihinalang bumagsak malapit sa isang tourist island ang Sriwijaya Air flight SJ182 na patungong Pontianak sa Indonesia’s section ng Borneo island, nasa 90 minutong biyahe.

Sa datos mula FlightRadar24 sinasabing umabot sa altitude na halos 11,000 feet (3,350 metres) ang eroplano bago ito biglaang bumagsak sa 250 feet. Kasunod ng pagkawala ng contact sa air traffic control.

“Sriwijaya Air flight #SJ182 lost more than 10,000 feet of altitude in less than one minute, about 4 minutes after departure from Jakarta,” pagbabahagi ng tracking agency sa official Twitter account nito.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang ibinibigay ang mga awtoridad at airline na dahilan sa biglaang pagbagsak ng eroplano.

AFP