Patay ang isang magkapatid na babae habang sugatan naman ang isa pa nilang kapatid nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Barangay Malaya, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni QC Fire Marshal, Sr. Supt. Joe Fernan Bangyod, kinilala

ang nasawi na sina Marian Maxine Lee, 24, at Isabel

Francesca Lee, 10, kapwa taga-No.100 Matahimik St., Bgy.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Malaya sa nabanggit na lungsod.

Sugatan ang isa pang kapatid na si Maximo Lee dahil sa 3rd degree burns nito.

Sa imbestigasyon, bigla na lamang sumiklab ang ilalim ng kanilang hagdanan, dakong 5:50 ng madaling araw hanggang sa tuluyan nang makulong ang dalawa sa kanilang kuwarto.

Tinangka namang tulungan ni Maximo ang dalawang kapatid ngunit tuluyan nang hindi nakalabas ng silid at namatay.

Umaabot sa ikalawang alarma ang sunog at inaalam pa ng imbestigador ang halaga ng ari-ariang natupok sa insidente.

-JUN FABON