Tutukuyin na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang mga lugar na ipa-prayoridad ng pamahalaan para sa isasagawa nilang pagbabakuna sa bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Secretary at IATF chairman Francisco Duque III, pupulungin nito ang mga miyembro nito sa task force upang bumuo ng desisyon kung aling mga geographic areas ang kailangan nilang iprayoridad sa pagbabakuna.

Plano ng pamahalaan na mabakunahan ang may 25 milyong Pinoy laban sa COVID-19 ngayong taon.

Una na ring pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na pumasok sa isang tripartite agreement upang makabili ng sarili nilang bakuna para sa kanilang mga constituents.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Matatandaang ilang LGU na ang nag-anunsiyo na naglaan sila ng milyun-milyong pisong pondo upang makabili ng COVID-19 vaccines.

-Mary Ann Santiago