Sinuspindi na ang Labor Attache na nakatalaga sa Riyadh kaugnay ng reklamong acts of lasciviousness sexual harassment na isinampa ng isang mag-asawang Pinoy noong nakaraang taon.

Ang preventive suspension ay inilabas ni Philippine Ambassador to Riyadh Adnan Alonto.

Paglilinaw ni Alonto, “salungat sa pambansang interes” ang naging hakbang ni Labatt Nasser Mustafa na protektahan sana ang karapatan at kapakanan ng mga Pinoy na nasa ibang bansa.

Ito ay nang makulong ang mag-asawang Pinoy na kapwa welfare office ng isang recruitment agency nang kasuhan niya ang mga ito ng cyberlibel.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Nag-ugat ang kaso nang i-harass umano ni Mustafa ang ginang nang magtungo ito sa opisina ni Mustafa upang i-follow up ang ilang job order para sa kanilang sponsor, noong Pebrero 13, ng nakaraang taon.

Noong Oktubre 14, nagtungo ang mag-asawa sa Phillippine Embassy upang magpasaklolo dahil sa pangambang mawawalan sila ng trabaho dahil sa pine-pressure ng tanggapan ni Mustafa ang mga employer at sponsors ng mga ito.

Bilang ganti, naghain ng kaso si Mustafa laban sa mag-asawa na naging dahilan upang suspendihin ito (Mustafa) sa trabaho.

-Hanah Tabios