Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mauunang bibigyan ng bakuna kontra COVID-19 ay ang mga sundalo at mga pulis sa bansa.

Sa public address ng Pangulo noong Lunes ng gabi, matigas nitong inianunsyo na uunahin niyang mabakunahan ang mga uniformed personnel sa kabila ng nakalagay sila sa pang-lima sa priority list ng pamahalaan matapos ang mga health workers at senior citizens.

Una nang iginiit ng ilang opposition senators ang Senate inquiry sa Presidential Security Group matapos gumamit ng unregistered vaccines.

“Even if talagang nauna ang PSG, mauna talaga ang military. Ang military at ang pulis ang mauna, kasi pag mawalan tayo ng pulis pati military, out of control ang bayan,” sinabi ng Pangulo.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

“Una kayo sabay sa military. Sabay-sabay kayo. Iyong mga mahirap nasa listahan ng… We will follow the list provided by the DSWD. Ulit ha, hindi ito para sa inyo na mag-yawyaw kayo na, ‘Akala ba namin kami mauna?’ You shut up because General Galvez is working on it,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, ipinalabas ng Department of Health ang priority list nito para sa COVID-19 vaccination, kung saan ay nangunguna ang frontline health workers na sinundan ng indigent senior citizens; natitirang senior citizen population; at natitirang indigent population.

-BETH CAMIA