WALA pang listahan na ibinibigay sa PBA ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa mga manlalarong plano nilang ilagay sa Gilas Pilipinas pool para sa darating na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers’ third window na idaraos sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.

“Wala pa, hinihintay pa namin ang desisyon,” sambit ni PBA commissioner Willie Marcial.

Hiniling na ng SBP ang tulong ng liga para sa nakatakdang pagsabak ng Gilas kontra sa mahigpit nilang karibal na Siuth Korea at sa pinalakas na roster ng Indonesia ngayong darating na Pebrero.

Walang nakapaglarong PBA players para sa Gilas noong Nobyembre sa second window dahil nagkataong ongoing noon ang PBA bubble nang idaos ang mga laro sa Bahrain

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Umaasa ang PBA ayon kay Marcial na maubibigay kaagad sa kanila ang listahan upang mapag-usapan na nila ito ng mga mapipiling players.

“Kaya nga sabi namin, ibigay kaagad sa amin kung sino mga kailangan para makausap namin yung mga players. Kasi lahat nasa bakasyon eh,” paliwanag ni Marcial.

-Marivic Awitan